28

By

Pagpapatayo ng dedikadong evacuation center, minungkahi ni Duterte sa DPWH

Sharing is caring!

Inutusan ni Pangulong Rodrigo Duterte na pag-aralan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang posibilidad na magtayo ng mga evacuation center na gagamitin sa panahon ng bagyo.

Sinabi ito ng pangulo sa command conference sa Tuguegarao City nitong Linggo, Setyembre 16, kung saan pangunahing problema ni Duterte ay ang nauudlot na edukasyon ng kabataan dahil sa bagyo.

Malimit ay ginagawang evacuation centers ang mga paaralan kayat kahit wala na ang masamang panahon ay kanselado pa rin ang mga klase sa ilang lugar.

“Pag ganito tayo nang ganito, in places na prone sa baha, ang mga bata napuputol ang edukasyon,” saad ni Duterte sa kanyang gabinete.

Ilan sa mga lugar na ito ay ang mga nasa silangang bahagi ng bansa tulad ng Samar at Leyte.

Nakiramay din si Duterte sa mga pamilyang namatayan dahil sa bagyong Ompong.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?