318

By

Pagpapatalsik ng SC kay Sereno, pinarerepaso ng 13 senador

Sharing is caring!

Hinihiling ng mayorya ng mga senador sa Korte Suprema na repasuhin ang pagpapatalsik nito kay dating Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Nakasaad ito sa draft resolution na isinulong ng Senate minority bloc at nilagdaan na ng 13 senador.

Buhat sa majority bloc, lumagda sina Senate President Koko Pimentel III, Senate President Pro Tempore Ralph Recto, Sen. Grace Poe, Sen. Sonny Angara, Sen. Sherwin Gatchalian, Sen. Chiz Escudero at Sen. Joel Villanueva.

Nakapirma na rin sina Senate minority leader Franklin Drilon, Sen. Kiko Pangilinan, Sen. Bam Aquino, Sen. Risa Hontiveros, Sen. Antonio Trillanes IV at Sen. Leila de Lima.

Ipinapahayag dito ang posisyon ng Senado na dapat sundin ang tadhana ng Konstitusyon ukol sa paraan ng pagpapatalsik sa chief justice ng Korte Suprema.

Sinabi rin na bitbit nito ang panganib na maulit ang ganitong pagtapak sa kapangyarihan ng lehislatura sa impeachment proceedings.

Dahil pirmado na ng mayorya ng mga senador, maihahain na ito para mapagdebatihan.

Tiyak na rin itong maaprubahan sa plenaryo ng Senado.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?