33
panelo2
By

Pagpapatalsik kay Sereno, kinatigan ng abogado ng Palasyo

Sharing is caring!

Inayunan ni Chief Presidential Legal Counsel Secretary Salvador Panelo ang naging desisyon ng mga mahistrado ng Korte Suprema sa quo warranto petition laban kay Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno na nagpatalsik sa kanya sa puwesto.

Sinabi ni Secretary Panelo na patunay lamang ito na iligal ang pagiging punong mahistrado ni Sereno.

Pinatunayan sa botohan ng justices na iligal ang pagkaluklok kay Sereno sa puwesto kaya’t sa simula pa lamang ay may kuwestiyon na sa liderato nito.

Ang boto ng mga mahistrado ay 8-6 pabor sa pagpapaalis sa puwesto kay Sereno.

Dahil sa pagkakatalsik, sinabi ni Panelo na wala nang saysay ang impeachment complaint na nakasalang sa Mababang Kapulungan ng Kongreso.

Kasabay nito ay muling nanindigan si Panelo na walang kamay ang Palasyo sa quo warranto petition at ito ay inisyatibo ni Solicitor General Jose Calida.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?