90

Oct 27, 2017 @ 18:05

Pagpapatalsik kay Iloilo Mayor Mabilog, ipinaubaya sa DILG

Ipinaubaya na ng Malacañang sa Department of Interior and Local Government (DILG) ang pagpapaalis sa puwesto kay Iloilo City Mayor Jed Patrick Mabilog.

Ito’y makaraang ilabas ng Office of the Ombudsman ang dismissal order laban sa alkalde matapos mapatunayang guilty sa “serious dishonesty” kaugnay sa hindi maipaliwanag na kayamanan nito.

Sinabi kahapon ni Presidential Spokesman Ernesto Abella, ang DILG na ang magpatupad ng dismissal order sa sandaling makatanggap na ng kopya ng kautusan mula sa Ombudsman.

“The Department of Interior and Local Government would implement the dismissal order of Iloilo City Mayor Jed Patrick Mabilog once it receives the official copy of the decision from the Office of the Ombudsman,” ani Abella.

Si Mabilog ang isa sa mga alkaldeng “markado” kay Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay sa kampanya kontra iligal na droga at kamakailan lang ay binantaan na, ito na ang susunod, na ang tila pahiwatig ay matutulad sa dalawang alkaldeng napatay dahil din sa koneksiyon sa illegal drugs.

Wala sa bansa si Mabilog at pinaniniwalaang nagtago na matapos hindi bumalik sa kanyang pagdalo sa isang disaster conference sa Japan noong nakalipas na buwan. (Aileen Taliping)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?