60

Jul 3, 2019 @ 18:47
By

Pagpapatalsik kay Duterte, mababaw! – Nograles

Mahina at mababaw ang batayan para sampahan ng impeachment complaint si Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ang inihayag ni Secretary to the Cabinet Karlo Alexei Nograles matapos umani ng sari-saring opinyon ang naging pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na mayroon silang “verbal agreement” ni Chinese President Xi Jinping para makapangisda ang mga Chinese sa Exclusive Economic Zone ng Pilipinas.

Sinabi ni Nograles na hindi malakas ang pinaplanong kaso laban sa Pangulo at kung ano man aniya ang batayan ay manipis ito at mababaw.

“As far as the impeachment case is concerned, kung anoman yung nasasabing i-impeach daw ang Pangulo, I dont think they have a case. They dont have a strong case against the President. It won’t fly. Kung ano man ang allegations ngayon, manipis, wala, mababaw,” ani Nograles.

Kasabay nito nilinaw ni Nograles ang mga lumabas na ulat na maaaring maituring na criminal offense ang pagbabanta ng impeachmewnt laban sa Presidente.

Sinabi ng kalihim na hindi criminal offense ang pagsasampa ng impeachment complaint, kundi ang pagbabanta mismo sa Presidente.

“It was in the context na if you are threatening the President to do some sort of action and then you threaten him with an impeachment complaint, the mere fact that you are threatening the highest official of the land, the mere fact that it’s a threat, if it goes into the realm of threatening then it may be criminal in nature,”.Filing an impeachment complaint is not criminal, but threatening somebody is,” dagdag pa ni Nograles.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?