50

May 6, 2020 @ 10:01
By

Pagpapasara ng ABS-CBN ‘distraction’ sa tunay na problema

Mariing kinondena ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP) ang ipinalabas na cease and desist (CDO) order ng National Telecommunication Commission (NTC) para sa ABS-CBN na nagpatigil sa operasyon ng network sa mga TV at radio stations nito sa buong bansa.

Sa ipinalabas na statement ni Noel C. Galvez, KBP executive vice president, sinabi nito na ang CDO ay hindi makatarungan, hindi lang para sa libong empleyado ng network, kundi sa milyong mamamayan naseserbisyuhan ng broadcasting activities ng network.

Hindi rin umano napapanahon ang CDO ng NTC dahil ang ABS-CBN ay nagsisilbi sa gitna ng umiiral na health crisis, ayon kay Galvez na president/CEO ng Vanguard Radio Network.

Maituturing din umano ang order na “distraction for both the government and the private sector from focusing on saving lives and helping people to be safe”.

Hinikayat din ang pamahalaan na magpatupad ng “equitable remedy” alinsunod sa nakaugalian ng NTC sa broadcast industry na nagbibigay kapahintulutan sa operasyon habang may nakabinbing ang aplikasyon ng prangkisa sa Kongreso.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?