83

Oct 28, 2017 @ 16:06

Pagpaparehistro ng mga botante, itinakda muli ng Comelec

Muling bubuksan ng Commission on Elections (Comelec) ang continuing registration ng mga botante sa Nobyembre 6-30, 2017.

Ito ay nakapaloob sa Comelec Resolution No. 10214 kasunod na rin ng muling pagpapaliban ng Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).

“In view of the postponement of the Barangay and Sangguniang Kabataan Elections, there is a need to resume the conduct of registration of voters for the members of the Katipunan ng Kabataan (KK) who will reach fifteen (15) years old pursuant to Republic Act No. 10742 and regular voters for the barangay in connection with the May 14, 2018 Synchronized BSKE,” ang nakasaad sa resolusyon ng Comelec.

Paalala pa ng poll body, ang mga aplikasyon para sa pagpapatala, reactivation, pagpapalit o correction of entries at reinstatement of records sa listahan ng mga botante ay kinakailangang iproseso nang personal sa Offices of the Election Officers.

“Applications for registration, reactivation, change/correction of entries and inclusion/reinstatement of records in the list of voters shall be personally filed at the Offices of the Election Officer (OEOs) of the city/district/municipality where the applicant resides, during office hours, from 8:00 AM to 5:00 PM, Mondays to Saturdays including holidays from November 6, 2017 (Monday) to November 30, 2017 (Thursday),” dagdag pa ng Comelec.

Pinapayagan din ng poll body ang mga OEOs na magsagawa ng satellite at offsite registration ng mga botante sa panahon ng pagpapatala.

Gayunman, nilinaw ng Comelec na hindi kasali ang lalawigan ng Lanao del Sur sa gagawing continuing registration.

Ang Lanao del Sur ay ang nakakasakop sa lungsod ng Marawi na limang buwang binalot ng krisis dahil sa giyera laban sa Maute-ISIS. (Maricel Diaz)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?