23

Jan 5, 2022 @ 13:22
By

Pagpapalusot sa mga biyahero sa protocol sisiyasatin ng NBI

Pinaiimbestigahan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa National Bureau of Investigation (NBI) ang ulat na pinapalusot umano ang ilang mga pasahero sa airport para hindi na sumailalim sa quarantine protocols.

Sa kanyang Talk to the People, inatasan ng Pangulo si Department of Justice Secretary Menardo Guevarra na pakilusin ang NBI para matukoy ang katotohanan sa pagpapalusot umano sa mga pasahero para hindi na dumaan sa quarantine protocols.

May mga nakarating aniya na report sa kanya kaya dapat na maimbestigahan ito para hindi makompromiso ang kaligtasan at kalusugan ng publiko.

“Pero maraming report na kasi nandito eh nakakalusot. So… Well, anyway, you can conduct a report and that would be independent of other… I will task the Secretary Justice si — ang NBI na lang, sir?” anang Pangulo.

Personal ding tinanong din ni Pangulong Duterte si Bureau of Quarantine Director Ferdinand Salcedo hinggil sa pagpapalusot umano ng kanyang mga tauhan na itinanggi naman ng opisyal.

Sinabi ni Salcedo na nag-imbestiga na sila at wala aniya silang nakita at natukoy na nagpapalusot sa kanyang mga tauhan.

“Regarding that issue, sir, the Bureau of Quarantine has investigated the staff of Bureau of Quarantine and we have not seen such case, sir, among the staff of Bureau of Quarantine.We have not seen any case like this that the BOQ staff are involved into this kind of irregularities, Mr. President,” ani Salcedo.

Sinabi naman ni Secretary Guevarra sa Presidente na inatasan na niya ang NBI para mag-imbestiga sa isyu.

“The DOJ has instructed the NBI to conduct a thorough investigation of these incidents. Maybe starting all the way from the arrival area of — in our international airports, all the way to the quarantine hotels, and even to the home quarantine, Mr. President,” ani Guevarra.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?