165

Feb 4, 2020 @ 15:16
By

Pagpapalit ng PNP director sa Bataan kinabigla

Labis na ikinagulat ng mga mamamayan at lokal na mamamahayag ang “sudden change of command” sa panlalawigang kapulisan ng Bataan nitong Lunes ng umaga.

Pormal nang tinalaga ni Central Luzon Police Regional Director P/Brig. Gen. Rhodel O. Sermonia si P/Col. Jesus Rebua bilang bagong Provincial Director ng Bataan Police Provincial Office, Pebrero 3.

Agad na pinalitan ni Rebua si P/Col. Villamor Tuliao sa kabila ng pagdedeklara ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na nito lamang nagdaang Sabado ay nanguna pa sa programa sa pagkakadeklara ng lalawigan ng Bataan at Aurora bilang kauna-unahang drug-cleared provinces sa buong Luzon.

Isinagawa ang pormal na turn-over of command sa opisina ni BGen. Sermonia sa Campo Olivas sa San Fernando City, Pampanga.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?