30

Sep 13, 2021 @ 22:21
By

Pagpapaliban sa BARMM elections umusad sa Kamara

Inaprubahan ng Kamara de Representantes sa ikalawang pagbasa ang panukalang pagpapaliban ng eleksyon sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Sa ilalim ng House Bill 10121, hindi itutuloy ang BARMM elections sa 2022 at ipagpapaliban ito sa 2025 kasabay ng national at local elections.

Ang dagdag na panahon ay gagamitin ng Bangsamoro Transition Authority (BTA) upang matupad ang mga kasunduan ng gobyerno at Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa ilalim ng peace agreement.

Naipasa na ng Senado ang kaparehong panukala noong nakaraang linggo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?