21

Sep 15, 2021 @ 18:39
By

Pagpapaliban ng BARMM elections pasado na sa Kamara

Pasado na sa ikatlo at huling pagbasa ng Kamara de Representantes ang panukalang pagpapaliban ng eleksyon sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Walang tumutol sa pagpasa ng House Bill 10121 na nakatanggap ng 187 boto.

Sa ilalim ng panukala, ipagpapaliban ang eleksyon sa BARMM sa 2022 at isasagawa sa Mayo 2025 kasabay ng national at local elections.

Nagbotohan sa Kamara ilang minuto makalipas na basahin sa plenaryo ang sulat ni Pangulong Rodrigo Duterte na nagsesertipika na urgent ang pagpasa ng panukala.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?