38

Jun 19, 2020 @ 16:42
By

Pagpapalayas kay Dr. Leachon tama lang — solon

Si dating Health Secretary at ngayo’y Iloilo Rep. Janette Loreto-Garin ay isa sa dismayado rin sa ginawa ni dating COVID-19 National Task Force special adviser Dr. Tony Leachon dahilan upang pagbitiwin ito.

Ayon kay Garin, kilala niya si Leachon at nakatrabaho niya ito noong panahon na siya ang kalihim ng DOH kaya hindi na siya nabigla kung ito’y pinagbibitiw sa IATF.

“I know Tony Leachon and have worked with him during my term as Secretary of the Department of Health and Chairman of the Philhealth Board. It is no surprise that he was asked to resign from his post in the IATF,” ayon kay Garin.

Sa mga asta at kilos umano ni Leachon ay tama lamang na paalisin ito dahil imbes na tumulong sa pagtugon sa pandemya ay nagbibigay lamang ito ng pangamba at panic sa publiko.

Bilang special adviser sa IATF, siya umano ang nasa posisyon para magbigay ng mga tamang solusyon at nararapat na mga pagbabago ngunit nagsasarili umano ito sa pamamagitan ng pagbibigay at pagsasalita ng kanyang opinyon sa media.

“First, medical and scientific concepts and discussions often need not to be discussed in public in the early stages. Primarily because it will cause more harm than good to alarm the public while awaiting counterfactuals. Ngunit itong si Dr. Leachon, ang tendency niya ay imbes na makipagdiskurso sa mga eksperto, ay ilalabas sa media ang mga opinyon niya. Real doctors and scientists do not do this,” giit pa ni Garin.

Dahil na rin dito, nagpayo si Garin kay Leachon, “Shut up na. Tumulong na lang. Nasa pandemic na tayo. What we should ultimately be doing is helping each other. The only way we will succeed in this fight against COVID-19 is if we all work together.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?