39

Nov 12, 2019 @ 19:37
By

Pagpapalawig sa validity ng 2019 budget inihain sa Senado

Naghain si Senador Sonny Angara ng isang panukala na naglalayong palawigin ang validity ng 2019 budget para sa maintenance and other operating expenses (MOOE) at capital outlays (CO) hanggang December 31, 2020.

Sa Senate Bill 1153, sinisisi ni Angara ang pagkaantala ang implementasyon ng infrastructure project at basic social services sa pagka-delay ng pagpasa ng 2019 budget at election ban.

“There are appropriations that have not been released and allotment issued that have not been obligated, which shall automatically lapse depriving the people and the country of the much-needed MOOE and CO to fund priority projects, financial assistance program, aid, and relief activities as well as for the maintenance, construction/repair, and rehabilitation of schools, hospitals, roads, bridges and other essential facilities of the national government,” sabi ni Angara.

Inihain ang panukala sa araw na inaprubahan ng Senate finance panel ang joint resolusyon para sa pag-extend ng validity ng budget para sa taong ito.

Binanggit ni Angara ang Section 5 ng Executive Order No. 95 na nag-oobliga na lahat ng pondo ay dapat obligated hanggang Disyembre 31, 2019.

Ang naturang EO ay pumapayag sa pagpapatupad MOEE at CO sa mga infrastructure project na i-extend hanggang Hunyo 30, 2020 at Disyembre 31, 2020.

“It is, therefore, necessary that Section 65 of the General Provisions of Republic Act No. 11260 should be amended such that the validity of the MOOE and CO appropriations be extended for another fiscal year for the benefit of the people and for the welfare of the nation,” sabi ni Angara.

Inihain na rin ang kahalintulad na panukala sa Kamara.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?