17

Oct 27, 2021 @ 15:21
By

Pagpapalawig ng PSALM inaprubahan ng House panel

Inaprubahan ng House Committee on Energy ngayong Miyerkoles ang panukala na palawigin ng 30 taon ang corporate life ng Power Sector Assets and Liabilities Management (PSALM).

Walang tumutol sa mosyon ni PHILRECA party-list Rep. Presley De Jesus na aprubahan ang panukala.

Inaprubahan din ng komite na pinamumunuan ni Pampanga Rep. Juan Miguel Arroyo ang paggawa ng committee report ng panukala.

Ang PSALM ay nabuo sa ilalim ng Electric Power Industry Reform Act (EPIRA) (Republic Act 9136) at binigyan ng 25 taon para isapribado ang mga planta at ari-arian ng National Power Corp. (NPC) upang mabayaran ang mga utang nito.

Ayon kay Arroyo, kasama sa isasapribado ang Agus-Pulangi Hydropower Plant Complex na kailangan umanong ayusin para mabenta sa magandang presyo.

“Considering that the completion of the rehabilitation will necessarily extend beyond the original corporate life of PSALM, it is imperative that PSALM be legally subsisting and operational during the said rehabilitation, including the duration of any loan related to such rehabilitation,” sabi ni Arroyo na pangunahing may-akda ng panukala.

Ang corporate life ng PSALM ay magtatapos sa Hunyo 26, 2026.

Mas makabubuti umano kung palalawigin ang buhay ng PSALM upang makakuha ito ng maayos na termino ng pangungutang na gagamitin sa rehabilitasyon ng planta.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?