15
sisterfox
By

Pagpapalawig ng missionary visa ni Sister Fox, ibinasura ng Immigration

Sharing is caring!

Hindi pinagbigyan ng Bureau of Immigration (BI) ang hirit ng Australyanong madre na si Sister Patricia Fox na mapalawig ang kanyang missionary visa.

Sa dalawang pahinang kautusan, partikular na ibinasura ng kawanihan ang kahilingan ng Superior of the Religieuse De Notre Dame De Sion Incorporated, bunsod ng nauna nang deportation order na inilabas ng BI laban sa dayuhang madre.

“The BI already saw that Sister Fox violated the conditions of her stay and is considered undesirable, hence a deportation order was previously issued against her.

“Our legal team saw that approving the extension of her missionary visa will be inconsistent with the findings cited in her deportation order,” paliwanag ni BI Spokesperson Dana Krizia Sandoval.

Kung tutuusin, nakapagsilbi na raw si Sister Fox ng 27 taon sa Pilipinas bilang isang misyonaryo at ito ay lagpas na sa nilalaman ng Memorandum of Agreement ng BI at ng Catholic Bishops Conference of the Philippines na ang mga dayuhang misyonaryo ay maaring manatili sa bansa sa loob lamang ng sampung taon.

Sa loob ng 15 araw ay kinakailangan umanong mag-aplay ang dayuhang madre ng temporary visitor’s visa sa oras na matanggap na niya ang kopya ng nasabing kautusan.

“Downgrading will revert her status to a temporary visitor’s visa, with a 59-day validity, starting from the date of the expiry of her missionary visa,” dagdag ni Sandoval.

Nakabinbin pa sa DOJ ang apela ni Sister Fox laban sa deportation order ng BI, at ayon sa kawanihan, maari nilang pagbigyan ang temporary visitor’s visa ng madre habang hinihintay ang desisyon ng DOJ.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?