15

Jan 16, 2018 @ 14:15

Pagpapalawak sa community-based rehab, prayoridad ng DDB

Ilan sa pangunahing prayoridad ng bagong pamunuan ng Dangerous Drugs Board (DDB) ay ang pagpapalawak sa community-based rehabilitation program ng gobyerno.

Naniniwala si DDB chairman Catalino Cuy, na sa pamamagitan nito, mababawasan ang mga indibiduwal na gumagamit ng iligal na droga kasabay ng pinaigting nilang kampanya sa droga na magsisimula sa mga barangay.

“As I was saying, we will give importance to drug clearing. We will be also requiring local barangay executives to monitor barangays since clients, the ‘grassroots’ are here,” ani Cuy sa UNTV.

Suportado rin ni Cuy si Department of the Interior and Local Government (DILG) Undersecretary Martin Diño sa panukala nito na hingan ang bawat barangay sa Pilipinas ng listahan ng mga drug suspect.

Kahit pa tutol ang mga human rights groups dito, siniguro ni Cuy na magsasagawa sila ng malalim na imbestigasyon para masiguro ang profile ng mga masasangkot sa illegal drugs.

Si Cuy ang ika-23 chairman ng DDB na pinalitan si Dionisio Santiago matapos magbitiw ng huli noong Nobyembre ng nakaraang taon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?