45

By

Pagpapalabas ng committee report sa poll protest ni Marcos, aprub na ng PET

Pinag-utos na ng Korte Suprema, na tumatayong Presidential Electoral Tribunal (PET), ang pagpapalabas ng committee report hinggil sa initial recount ng mga boto kaugnay sa electoral protest na inihain ni dating senador Bongbong Marcos laban kay Vice President Leni Robredo.

Inatasan din ng PET ang magkabilang partido na magkomento hinggil sa preliminary appreciation report on revision/recount mula sa mga lalawigan na Camarines Sur, Negros Oriental at Iloilo sa loob ng 20-araw.

Pinagkokomento rin sila sa inihaing motion to nullify results ni Marcos sa Lanao del Sur, Basilan at Maguindanao dahil sa umano’y terrorism, violence, force, threats, intimidation, pre-shading of ballots, at vote substitution.

Magugunitang sinasabi ni Marcos na nagkaroon ng “massive cheating” sa pagkatalo niya sa 2016 vice presidential race kay Robredo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?