14

Nov 15, 2020 @ 13:53
By

Pagpapakawala ng tubig sa mga dam walang warning – Zubiri

Kinondena ni Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri ang mga awtoridad dahil sa hindi umano pagbibigay ng warning sa mga residente ng Cagayan River bago magpakawala ng tubig ang Magat dam, na nagresulta sa matinding pagbaha sa naturang lalawigan.

“Kasi parating na tayo ng summer, months, magkakaroon na naman tayo ng problema ng tubig in the next three months. Nagre-release sila dahil puno na ang tubig, pero yung nangyaring paglabas, parang biglaan, walang warning. Dapat talaga, may warning,” pahayag ni Zubiri sa panayam sa DZRH.

“This week, may plano kami ni Sen. Win [Gatchalian]. We want to ask questions sa proper agencies bakit sila nag-release ng tubig nang walang warning,” dagdag pa nito.

Bukod sa Magat dam, hindin rin umano nagbigay ng babala ang mga awtoridad nang magpakalawa ng tubig sa mga dam sa Angat dam sa Bulacana na nagresulta sa paglubog sa Marikina City at ilang bayan sa Rizal.

“’Yan din ang nangyari sa Marikina, Rizal. Na-grelease din ng tubig ang Angat. Because of that nagkaroon ng massive flooding sana naman may warning signals agencies, rest assured tatanungin ko yan sa budget hearings,” sabi ni Zubiri.

Nauna nang sinabi ni PAGASA hydrologist Edgar dela Cruz na nagbigay ng advisory ang mga awtoridad sa mga residenteng nakatira malapit sa Cagayan River roy hinggil sa pagpapakawala ng tubig bago man ang itinakdang oras.

Naglabas din aniya sila ng abiso sa website ng PAG-ASA gayundin sa Facebook at Twitter.

Nagpadala rin umano sila ng liham sa tanggapan ni Cagayan Governor Manuel Mamba, Isabela Governor Rodolfo Albano III, at sa Office of Civil Defense Region 2 acting director Harold Cabreros.

Noong Sabado, inihayag ni Mamba na plano nilang kasuhan ang pamunuan ng Magat dam kaugnay ng taunang pagbaha sa Cagayan.

Wala rin aniyang pakinabang ang kanilang probinsiya sa Magat Dam dahil ang tubig nito ay napupunta sa Isabela at hindi sa kanilang lalawigan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?