32

Feb 29, 2020 @ 15:53
By

Pagpapakasal ng menor de edad, nais gawing krimen

Inirekomenda ng dalawang komite sa Senado ang pagpapasa sa Senate Bill 1373, na magdedeklara sa child marriage na iligal.

Sa ilalim ng SB 1373, sakop ng child marriage ang 18-anyos pababa ang edad.

Nakasaad sa SB 1373 na tinutulak ng Senate Committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality ni Senadora Risa Hontiveros at Senate Committee on Social Justice, Welfare and Rural Development ni Sen. Leila de Lima na, “Child marriage as an act of child abuse as it debases, degrades and demeans the intrinsic worth and dignity of children under Republic Act (RA) 7610, or the Special Protection of Children Against Child Abuse, Exploitation and Discrimination Act. It also affirms that marriage shall be entered into only with the free and full consent of the intending spouses and that betrothal and child marriages shall have no legal effect.”

Sinuman na magiging daan para sa pagpapakasal ng menor de edad ay mahaharap sa kaparusahan na prison mayor at multa na hindi bababa sa P40,000.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?