190

Sep 16, 2021 @ 17:57
By

Pagpapaganda ng serbisyo sa ospital ng Albay hirit ni Salceda

Pinasalamatan ni House Committee on Ways and Means chairperson at Albay Rep. Joey Salceda ang Senate Committee on Health sa pagpabor na ipasa ang panukala na magpapaganda sa serbisyong ibinigay ng Bicol Regional Training and Teaching Hospital (BRTTH).

Ayon kay Salceda ang BRTTH ay itinuturing na Philippine General Hospital ng Bicol Region.

Sa ilalim ng panukala, itataas ang bed capacity ng BRTTH sa 800 mula sa 250 at gagawin na itong Bicol Regional Hospital and Medical Center (BRHMC).

“It will be the PGH of South Luzon and more. We will make it a model healthcare institution that plays an active role in both treatment and prevention efforts. BRTTH will be a genuine public health institution, not just concerned with curing patients, but actually elevating the overall health of the region,” sabi ni Salceda.

Sinabi ni Salceda na ang BRTTH ang training hospital ng Bicol University College of Medicine, na isa sa mga unang ospital na nagbigay ng libreng matrikula sa maraming estudyante nito.

“The BRTTH allows us the BU-CM to produce doctors who are prepared for the real-life challenges of public health and medicine in a developing country,” dagdag pa ng solon.

Malaki rin umano ang naitulong ng BRTTH upang mapababa ang fatality rate ng mga nahawa ng COVID sa probinsya.

Ang kaparehong panukala, na akda ni Salceda ay inaprubahan ng Kamara de Representantes sa ikatlong pagbasa noong Enero.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?