79

By

Pagpapagaan sa annulment, may tiyansa kesa diborsiyo – Sotto

Malabo ang makalusot ang divorce bill sa Senado na nauna nang inaprubahan sa Kamara.

Ayon kay Senate Majority Leader Vicente Sotto II, mas may pag-asa pa ang mga panukalang batas na magpapabilis sa pagpapawalang bisa ng kasal.

Idiniin nitong walang senador na nagpapahayag ng suporta sa diborsiyo at wala ring naghahain ng panukalang batas hinggil dito.

Ang nakahain sa Senado ay tungkol sa annulment na pinapayagan na sa umiiral na Family Code.

Isa rito ang inihain ni Senadora Loren Legarda kung saan layong gawing ground o dahilan para sa annulment ang limang taong paghihiwalay ng mag-asawa.

Inihain naman ni Senador Juan Miguel Zubiri ang panukala kung saan layong kilalanin ng estado ang church annulment sa kasal.

Tiniyak naman ni Sotto na didinggin pa rin sa Senado ang Divorce bill buhat sa Kamara.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?