68

By

Pagpapaaresto kay Trillanes hindi taktika para ilihis ang pagtaas ng bilihin – Roque

Sharing is caring!

Itinanggi ng Malacañang na taktika lamang ng gobyerno ang pagpapaaresto kay Senador Antonio Trillanes IV para pagtakpan ang hindi mapigil na inflation at patuloy na pagtaas ng mga bilihin.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na walang batayan ang puna ng mga political analyst dahil kumikilos naman ang gobyerno para masolusyonan ang mga problema ng bansa.

Katunayan, ani Roque ay gumawa na ang gobyerno ng hakbang para mapababa ang presyo ng produktong petrolyo lalo na ang diesel sa pamamagitan ng pag-angkat ng mas mura sa mga non-OPEC country.

Bukod dito, sinabi ng kalihim na dumating na rin sa bansa ang inangkat na bigas para mapamarami ang supply sa mga pamilihan.

“Ina-address po natin ang isyu ng inflation. It will not happen overnight kasi itong inflation dahil din maraming masyadong perang umiikot sa ating ekonomiya ngayon. At the same time the Central Bank have been taking steps to rate in interest rates which will also have an impact on inflation. So hindi totoo na kinakailangan ng diversionary tactics, hinaharap po natin ‘yan, ” ani Roque.

Sinabi pa ng kalihim na desidido si Pangulong Rodrigo Duterte na pabuksan ang mga warehouse ng mga trader na nagtatago ng mga bigas.

Muling ibinasura ng kalihim ang mungkahing magpatupad ang gobyerno ng price control para hindi masyadong magsamantala ang mga negosyante sa presyuhan ng bigas, manok at karne.

“Hindi kasi pupuwedeng basta basta mag-declare ng price control. Under the Price control act, kinakailangan meron munang declaration of state of calamity, o meron munang Martial Law, or merong suspension of the writ of habeas corpus. So kinakailangan meron precedent act before we can resort to price control,” dagdag pa ni Roque.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?