426

Jan 27, 2021 @ 15:16

Pagpanaw ni Dacera ‘natural’ – medico legal

Nasawi si flight attendant Christine Dacera dahil sa natural na mga sanhi, ayon sa medico legal report na sinumite sa city prosecutor ngayong araw.

“The ruptured aortic aneurysm will remain the cause of death as shown in the autopsy findings,” saad sa report ng Philippine National Police Crime Laboratory na may petsang Enero 11 at sinumite sa panahon ng paunang imbestigasyon ng pagkasawi ni Dacera.

Ang ruptured aortic aneurysm ay nangangahulugang pagputok ng pangunahing ugat sa katawan.

Dagdag sa report, habang ang aneurysm ay mas karaniwang nangyayari sa mga matatanda dahil sa atherosclerosis, maaari rin itong mangyari sa mga batang indibidwal dahil sa ibang kadahilanan.

Sa kaso ni Dacera, ang pagtaas anila ng presyon ng dugo “ay lalong nagpahina ng depekto na iyon, at kalaunan ay sumabog.”

Humantong anila ito sa mga sintomas tulad ng panghihina at pagduwal. Matagal na anilang nagsimula ang aneurysm ni Dacera.

“The loss of blood due to the ruptured aorta killed her within a few hours. The dilatation or aneurysm started (a) long time ago or maybe years, prior to her death. No alcohol or recreational drugs taken the night prior to her death will cause that kind of dilatation or defect on her aorta,” ayon pa sa medico legal.

Ang puso ni Dacera ay tumimbang din ng 500 gramo, mas malaki kaysa sa normal na 300 gramo, na sinabi ng ulat ay sinusuportahan ang kanyang tila hindi na-diagnose na hypertension.

Matapos magdiwang ng New Year, natagpuang walang malay ang flight attendant sa isang bathtub sa kanyang hotel room sa Makati.

Sinugod siya sa ospital kung saan dineklara siyang dead on arrival dahil umano sa ruptured aortic aneurysm.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?