98

Oct 19, 2017 @ 16:52

Pagpanaw ni Cardinal Vidal, ipinagluksa ni Pope Francis

Nagpaabot ng pakikiramay si Pope Francis sa pagpanaw ni Cebu Archbishop Emeritus Ricardo Cardinal Vidal.

Ayon kay Monsignor Joseph Tan, sumakabilang-buhay si Cardinal Vidal nitong Miyerkules sa edad na 86 dahil sa impeksyon na naging sanhi ng septic shock nito.

Sa kanyang liham kay Cebu Archbishop Jose Palma, sinabi ng Santo Papa na siya ay labis na nalulungkot sa pagpanaw ni Vidal na nagpakita ng hindi matatawarang serbisyo sa Simbahan.

“I extend my sincere condolences to you, and to the clergy religious and lay faithful of the Archdiocese of Cebu,” ang bahagi ng pahayag ni Pope Francis.

Pinuri rin ng Santo Papa ang walang kapagurang pagtataguyod ni Cardinal Vidal ng kahalagahan ng dayalogo at pagtamasa ng kapayapaan para sa lahat ng mga tao sa Pilipinas.

“As a pledge of consolation and hope in the Lord, to all who mourn his passing in the certain hope of the Resurrection, I willingly impart my Apostolic Blessing,” dagdag pa ng Santo Papa. (Maricel Diaz)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?