16

Pagpanaw ng asawa ni Bush, fake news!

Sharing is caring!

Hindi umano totoo ang balitang namatay na ang dating US First Lady na si Barbara Bush sa edad na 92.

Ayon sa ulat, fake news ang naturang balita dahil nananatili ang asawa ni dating US President George H.W. Bush sa kanilang tahanan at binabantayan ng mga kaanak at mga doktor ang kondisyon nito.

Ilang taon na ring nakikipaglaban sa kanyang sakit na Chronic Obstructive Pulmonary Disease at congestive heart ailment si Bush.

Nagdesisyon na umano ang pamilya ng dating unang ginang na ihinto na ang pagpapagamot dito dahil sa mahina na ang katawan nito.

Ang asawa ni Barbara na si George H.W. ay 93-anyos na at dumadanas naman ng Parkinson’s-like disease na nagtulak para gumamit siya ng wheelchair at hirap na rin ito na makapagsalita.

Si Barbara ay ina rin ni dating U.S President George W. Bush.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?