84

May 12, 2020 @ 13:42
By

Pagod na sa Metro Manila! 1 milyong Pinoy sasali sa ‘Balik Probinsya’

Inaasahang umabot sa isang milyong nakatira ngayon sa Metro Manila ang sumabak sa ‘Balik Probinsya’ program ng gobyerno.

Ayon kay National Housing Authority (NHA) at Balik Probinsya executive director Jun Escalada, sa ngayon ay nasa 5,000 katao na ang nagpakita ng interes sa nasabing programa gamit ang kanilang website.

“We started our online application last Friday. In a matter of four days, we’re able to get 5,000 enrollees already,” saad ni Escalada sa Laging Handa press briefing.

“If this will be the figure, there will be exponential enrollees every now and then. Perhaps, we can hit a figure in the next 6 months, 1 million residents of Metro Manila who would like to enroll,” aniya pa.

Ang nasabing programa ay layong pagandahin ang buhay sa mga probinsya para lumuwag ang Metro Manila, kung saan bibigyan sila ng mga murang pabahay at pangkabuhayan,

“We will facilitate the returns of this mga kababayan natin from Metro Manila to the regional rural centers,” ani Escalada.

Sa mga nais sumali, bisitahin lamang ang balikprobinsya.ph.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?