75

By

Pagnanakaw napurnada matapos ma-trap sa pasingawan ng resto

Napurnada ang binabalak sanang pagnanakaw ng lalaki sa isang abandonadong Chinese restaurant matapos nitong ma-trap sa grease vent nito ng dalawang araw.

Ayon sa report, nakatanggap ng tawag ang mga bumbero para magtungo sa bakanteng gusali sa San Lorenzo, California dakong alas-9:30 ng umaga ng Miyerkoles dahil mayroon umanong naririnig na umiiyak sa lugar at humihingi ng tulong.

“When first responders arrived on scene, they could hear the voice and quickly determined it was coming from a roof vent atop the restaurant,” ani public information officer Sgt. Ray Kelly sa BBC News.

Nakulong umano ang lalaki na punong-puno ng grasa at langis ang katawan at hindi makagalaw sa kinalalagyan.

Tinulungang maialis ang 29-anyos na lalaki sa metal na pasingawan.

Kasalukuyan nang iniimbestigahan ang lalaki kung makakasuhan ng trespassing at vandalism.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?