383
duterte-1
By

Pagmumura ni Duterte sa Diyos, dedmahin na lang – Pimentel

Sharing is caring!

Pinatitigil na ni Senador Aquilino “Koko” Pimentel III ang pagtatalo-talo ukol sa pagmumura ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Diyos.

Iginiit na pag-usapan na lang ang mga isyu sa gobyerno at mga usapin ng lipunan kaysa pag-usapan ang relihiyon at kani-kaniyang paniniwala sa Diyos.

Idiniin na ginamit lang ng pangulo ang kaniyang fredom of expression at freedom of religion nung sabihin nitong iba ang Diyos nito sa Diyos na sinasamba ng iba.

“Meron siyang tinutukoy na Diyos na medyo kini-criticize nya, pero meron siyang sariling Diyos na pinaniniwalaan. So kung tutuusin, freedom of expression o freedom of regligion,” sabi ni Pimentel sa panayam ng DWIZ.

“Magsalita tayo batay sa ating paniniwala pero huwag nating ipilit sa iba. Huwag na tayong mag-away-away. Dun na tayo sa mga programa de gobyerno,” diin ng senador na kapartido ng pangulo sa PDP Laban.

Nasa pangulo na umano kung babaguhin nito ang pagsasalita at kung mananahimik na lang sa ilang isyu,

“Personality yan ng pangulo. Lately sinabi naman niya, meron siyang favorite Bible verse na it’s nit time for all seasons, there’s time to speak up, time to keep quiet, i-apply na lang po nya yan sa kaniyang sarili,” dagdag ni Pimentel.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?