165

Mar 10, 2021 @ 21:23
By

Pagmumura ni Duterte hindi masama sa mga bata – Roque

Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque Jr., na normal lang sa matatandang katulad ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagmumura at hindi ito magiging masamang halimbawa sa mga bata.

Ani Roque, alam naman aniya ng mga bata na Presidente si Duterte.

“Ay hindi naman po. Kasi alam naman po nila na Presidente naman ‘yun, 76 years old, hindi na puwede magbago,” sagot ni Roque sa tanong sa “The Mangahas Interviews” kung sa tingin nito ay tatanim sa kaisipan ng mga bata na normal lamang ang walang tigil na pagmumura ng Pangulo.

“Sa totoo lang, ganyan naman po ang kultura ng mga Pilipino sa mga matatanda. ‘Yung ating henerasyon lang naman ang hindi nagmumura eh,” dagdag niya.

Ang paraan din aniya ng pagsasalita ni Pangulong Duterte ay may kinalaman sa pagiging public prosecutor nito at dahil ang kanyang mga magulang ay prosecutor din.

“Pare-pareho sila mag-isip, pare-pareho sila magsalita. Lahat sila ganyan,” katuwiran ni Roque.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?