0
views

By

Pagmumura ni Duterte gusto ng taumbayan – Lacson

Sharing is caring!

Natutuwa umano ang taumbayan sa pagmumura at magaspang na pananalita ni Pangulong Duterte.

Ayon kay Senador Panfilo Lacson, maaring nakikita ng taumbayan sa pagmumura at walang prenong pagsasalita ng pangulo ang sinseridad nito na tugunan ang mga problema ng bayan.

Puwede rin umanong “teflonic” lang talaga ang pangulo o hindi tinatalaban ng anumang kritisismo at batikos.

“His crass language and blunt words, no matter how he delivers, come across as his tool to project sincerity. Either that, or he is simply ‘teflonic,’” dagdag ni Lacson.

Sinabi ito kasunod ng paglabas ng resulta ng Pulse Asia survey kung saan nakakuha ang pangulo ng 87 percent na trust rating at 88 percent na approval rating.

Dahil sa lakas ng suporta ng publiko sa pangulo, sinabi ni Lacson na malamang na hindi lumusot ang pagpapaamyenda sa Konstitusyon para sa federalism dahil paiigsiin nito ang termino ng pangulo.

Sa utos mismo ni Duterte, ipinasok ng Consultative Committee sa draft federal constitution ang probisyon na ihahalal ang transition president kapag isasalim na ang gobyerno mula unitary ngayon tungong federal system.

Nangangahulugan to na paiigsiin ang panunungkulan ni Duterte na dapat sana ay hanggang sa taong 2022 pa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?