By

Pagmodernisa sa mga pantalan, sinimulan na ng PPA

Sharing is caring!

Isinasailalim na ng Department of Transportation (DOTr) sa pamamagitan ng Philippine Ports Authority (PPA) ang pagpapaganda at pagmomodernisa ng mga pantalan sa buong bansa.

Kabuuang 119 na mga Locally-Funded Projects (LFPs) ang isinasagawa para sa pagsasaayos ng mga pantalan kung saan 44 dito ay sa Luzon ports, 31 sa Visayas ports, at 44 sa Mindanao ports.

Kabilang sa mga proyektong ito ay ang pagtatayo ng tinatawag na back-up area, pagpapalawak ng daungan at RORO facilities para mapaunlad ang operasyon sa cargo handling capacities ng mga pantalan.

Samantala, nakatutok naman ngayon ang PPA sa pagtanggal ng mga burak at mga kalawang sa mga pantalan at mga daungan sa bansa.

Kabilang sa mga tinututukan ngayon ng PPA ay ang pagsasaayos ng mga daungan sa Tagbilaran, Ormoc, Guadalupe, San Carlos, Lamao, Calapan, Roxas, Puerto Princesa, at Tubigon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?