12

Feb 8, 2021 @ 20:55
By

Pagmanipula sa presyo ng baboy pinasisiyasat sa NBI

Inatasan ng Department of Justice (DOJ) ang National Bureau of Investigation (NBI) na silipin ang sinasabing pagmanipula sa presyo ng baboy at iba pang pagkain.

Kasunod ito ng paglalabas ng price cap sa mga karneng baboy at manok sa Metro Manila, at pork holiday ng ilang grupo ng mga magbababoy at magmamanok, na umapela na magkaroon ng sapat na konsultasyon bago ipatupad ang executive order na nagtatakda ng price ceiling.

Ito ay matapos ang pagsipa ng presyo ng baboy nitong nakaraang linggo dahil sa kakulangan ng suplay bunsod ng African swine fever.

“The NBI… is hereby directed and granted authority to conduct an investigation and case build-up on alleged violations of…the Price Act and…the Revised Penal Code, particularly Article 186 on Monopolies and Combinations in Restraint of Trade,” nakasaad sa kautusan.

Sakaling may ebidensiya ay maaaring magsampa ang NBI ng kaso laban sa mga responsable sa pagmanipula sa presyo ng baboy at iba pang pagkain.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?