48

Nov 3, 2017 @ 15:25

Paglustay sa P38B Malampaya funds, bubusiiin ng Senado

Paiimbestigahang muli ni Senador Sherwin Gatchalian sa Senado ang isiniwalat ng Commission on Audit (COA) na katiwalian sa paggamit ng Malampaya funds.

Ayon sa senador, nakita na nila noon pa man ang iregularidad sa paggamit ng nasabing pondo at malaking tulong sa pagbubungkal nito ang report ng COA.

Sa may 80-pahinang sectoral performance audit ng COA sa Malampaya funds, sinabing napunta sa “irregular disbursement” ang P38.8 billion na bahagi ng nalikom na Malampaya funds mula noong taong 2004 hanggang taong 2012.
Inirekomendang COA na imbestigahan ang mga opisyal at empleyado ng Department of Budget and Management (DBM).

“With COA’s recommendation, it is clear that these anomalies are something we have to investigate,” diin ni Gatchalian na chairman ng Senate committee on energy.

made it a point to flag the discrepancies in the collection and disbursement of the Malampaya fund during the Senate deliberations on the DOE (Department of Energy) budget last month,” dagdag ng senador. (Isaac Mendez)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?