25

By

Paglusot ng rice tariffication bill sa Senado, ikinagalak ng Palasyo

Sharing is caring!

Ikinalugod ng Malacañang ang pagpasa ng rice tarrification bill sa Senado.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na ngayong nakalusot na sa Senado ang rice tariffication bill, inaasahan ng Palasyo na madali na rin itong mapagtitibay sa bicameral conference committee.

Ayon sa kalihim, ang nabanggit na panukalang batas ay sinertipikahang urgent ni Pangulong Rodrigo Duterte kaya’t agad na lalagdaan ito sa sandaling makalusot sa bicameral conference committee.

Tiwala ang Palasyo na mapoproteksiyunan ang rice industry sa mga biglaang pagtaas ng presyo nito pati na rin ang mga consumer na naapektuhan sa mataas na presyo ng bigas.

“We remain optimistic that the bill would also run smoothly during the bicameral conference committee deliberations by both Houses of Congress. We are likewise confident that through the enactment of this bill into law, we would be able to protect the rice industry from sudden price fluctuations and eventually ease the burden of the Filipino consumers from soaring prices,” ani Panelo.

Sinabi pa ng kalihim na kapag naging ganap na batas ang rice tarrification bill ay magiging daan ito para hindi na magkaroon ng rice shortage sa bansa at bababa ang presyo ng bigas dahil malaya ng makapag-angkat ang mga rice trader basta magbayad lamang ng kaukulang taripa sa gobyerno.

“The President has certified the aforesaid bill as urgent. In his communication with the leadership of the Senate, the President expressed the urgent need to improve the availability of rice in the country to prevent artificial rice shortage, reduce the prices of rice in the market, and curtail the prevalence of corruption and cartel domination in the rice industry,” dagdag pa ni Panelo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?