national-id-system
By

Paglusot ng National ID system sa bicam, ‘good news’ – Palasyo

Sharing is caring!

Good news para sa Malacañang ang paglusot sa bicameral conference committee ng panukalang batas na magtatatag ng Philippine Identification System.

Sa isang maiksing text message ni Presidential Spokesman Harry Roque, sinabi nitong good news ito dahil prioriry bill ito ng administrasyon.

Isa aniya sa prayoridad ng Duterte administration ay magkaroon ng Philippine Identificatio System.

Sa ilalim ng panukalang batas, isang government issued ID na lamang ang gagamitin sa lahat ng mga transaksiyon sa gobyerno.

Hindi na kailangan pang magpakita ng iba pang government-issued ID gaya ng hinihingi ngayon para sa identification gaya ng pasaporte, driver’s license, Social Securiry System ID, GSIS ID, Philhealth Id at iba pa.

Walang expiration at lifetime o habangbuhay na gagamitin ang ID sa ilalim ng Philippine Idenrification System.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?