58
OFWs na gagawa ng krimen sa abroad, hindi sasaluhin ng gobyerno
Sep 20, 2019 @ 12:54
By

Paglusot ng Department of OFW, pamasko ni Duterte

Nais ni Pangulong Rodrigo Duterte na maipasa ng Kongreso bago mag-Disyembre ang panukalang Department of OFWs para may pamasko ang gobyerno sa mga Pilipinong nagtatrabaho sa ibang bansa.

Sinabi ni Secretary to the Cabinet Karlo Alexei Nograles na natalakay at napagdebatehan na ang Department of OFW bill noong nakalipas na Kongreso kaya kaunting pagbusisi na lamang para maisabatas ito.

“Palagay ko kayang ipasa dahil napag-usapan na rin yan noong previous Congress eh. May mga debate na, konting refinement at improvement na lamang,” ani Nograles.

Gusto aniya ni Duterte na maging regalo sa mga OFW ang batas ngayong Pasko kaya hinihiling ng Malacañang sa Kongreso na maipasa agad ang panukalang batas.

“Alam naman natin na marami tayong mga kababayan nating ofw ang umuuwi tuwing pasko so ito yung pa-christmas gift. So hiling namin sa House of Representatives pati sa Senado eh gawin na lang natin yung gusto ng Pangulo para lahat tayo ay kasama sa pa-christmas natin sa mga OFW,” dagdag pa ni Nograles.

Nauna rito, nangako ang mga kaalyadong kongresista ng administrasyon na sisikapin nilang maipasa ang Department of OFW bill para agad na maaksiyonan ng Senado hanggang sa huling buwan ng kasalukuyang taon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?