6
bbl2
By

Paglusot ng BBL sa Kongreso, ikinatuwa ng Palasyo

Sharing is caring!

Ikinagalak ng Malacañang ang paglusot ng House Bill 6475 o ang Bangsamoro Basic Law na inaasahang magiging susi ng pangmatagalang kapayapaan sa Mindanao.

Layon ng BBL na buwagin ang Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) at palitan ito ng Bangsamoro region.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na matagal ng inaasam ni Pangulong Rodrigo Duterte na maipasa ang BBL para sa inaasam sa pangmatagalang kapayapaan sa Mindanao region.

“We welcome the passage of the Committee Report of House Bill 6475, which provides for the Basic Law for the Bangsamoro.

The President has expressed his support and commitment to the Bangsamoro Basic Law as a significant step towards our quest for real and lasting peace in Mindanao,” ani Roque.

Sinabi pa ng kalihim na sa pamamagitan ng BBL ay magkakaroon ng katuparan ang hangarin ng mga taga-Mindanao na magkaroon ng makatotohanang kapayapaan at matuldukan ang ilang dekadang bakbakan, karahasan at kawalan ng hustisya sa Mindanao.

“By having a Bangsamoro region within the context of our Republic, we will realize the aspirations of our Moro brothers and sisters for genuine self-determination and hopefully end the decade-long armed struggle, violence and injustice in Mindanao,” dagdag pa ni Roque.

Ang BBL ay unang isinulong sa kongreso ng Aquino administration at kahapon lamang ito inaprubahan ng House Committee on Local Government, Muslim Affairs and Peace, Reconcilliation and Unity na inaasahang lilikha ng bagong Bangsamoro region.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?