44

Sep 9, 2021 @ 15:19
By

Paglusaw sa DBM-PS, PITC sinalang sa Senado

Naghain na si Senadora Imee Marcos ng hiwalay na panukala na naglalayong buwagin ang Department of Budget and Management-Procurement Service (DBM-PS) at Philippine International Trading Corporation (PITC) para matugunan ang sistematikong korapsyon sa dalawang ahensiya.

Ang DBM-PS at PITC, attached agency ng Department of Trade and Industry, ay binuo noong panahon ng pamumuno ng kanyang ama, ang yumaong Pangulong Ferdinand Marcos.

Sabi ni Marcos, naging “irrelevant” na umano ang mandato ng DBM-PS habang pinahina na ang papel ng PITC dahil sa pagpasa ng Republic Act No. 9184 o “Government Procurement Reform Act”, na nagpapalakas sa procurement service ng mga ahensiya ng gobyerno.

“The DBM-PS has become a fertile breeding ground of graft and corruption and, as such, should be abolished as it has outlived its functions to the national government,” sabi ni Marcos sa kanyang inihaing Senate Bill No. 2388.

“In addition to its mandate being affected by changes in national policies and legislation, the DBM-PS have dealt with issues regarding the exercise of their mandate in the previous years,” dagdag nito.

Binanggit pa ng senadora ang kontrobersiya sa paglipat ng Department of Health na P42 bilyong pondo nito sa DBM-PS para sa pagbili ng personal protective equipment, face mask, face shield at ibang kagamitan sa pandemya.

“This bill seeks to address the systemic corruption in the DBM-PS by abolishing the said agencies,” sabi ni Marcos.

Sa pagbuwag ng DBP-PS, nakasaad sa panukala na magkakanya-kanya na sa pagbili ang mga common-use supply, kagamitan at mga equipment ang mga departamento, ahensiya, Government Owned and/or Controlled Corporations (GOCCs), State Universities and Colleges (SUCs), atLocal Government Units (LGUs).

Sa kaso ng PITC, pinaliwanag ni Marcos na ang ahensiya ay orihinal na binuo bilang mekanismo para ipormalisa ang kalakalan sa ‘planned economies” sa pamamagitan ng government-to-government procurement.

Tulad ng DBM-PS, nabahiran din ng kontrobersiya ang PITC tulad ng paglipat ng iba’t ibang ahensiya ng gobyerno ng P11.02 bilyon mula 2014 hanggang 2020 subalit nanatiling hindi nagagamit hanggang noong Disyembre ng nagdaang taon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: , ,