39

Jan 19, 2021 @ 9:26
By

Paglusaw ng UP-DND accord dinisenyo para maghasik ng takot – Robredo

Kinundena ni Vice President Leni Robredo ang pagwawakas ng Department of National Defense (DND) sa kasunduan nito sa University of the Philippines (UP) na nagbabawal sa mga sundalo at pulis na pumasok sa nasabing unibersidad.

Sa sulat ni DND Secretary Delfin Lorenzana kay UP President Danilo Concepcion, sinabi niyang terminated na ang UP-DND Accord epektibo ng Enero 15.

Ito, kahit pa walang termination clause sa nasabing kasunduan.

Sabi ni Robredo, na isang UP alumna, ang ginawa ni Lorenzana na makaisang panig na pag-terminate sa kasunduan ay nagbibigay ng mensahe na sinuman o anuman ay pwedeng maging target ng kritisismo o atake sa ilalim ng gobyernong Duterte.

“The unilateral scrapping of the accord sends the [message] that under this admin, anyone is fair game,” wika ng VP sa isang pahayag ngayong Martes.

Kung tungkol lang aniya ito sa pagpapatupad ng batas, ang hinihiling lang aniya ng Accord ay ipabatid ng otoridad sa pamunuan ng UP ang gagawin nitong operasyon sa loob ng pamantasan.

“This is neither a difficult nor onerous rule,” wika ni Robredo, at limang Pangulo na mula 1989 ang sumunod sa nasabing kasunduan.

Kaya malinaw aniyang ang hakbang na ito ay naglalayong maghasik ng takot, mapahina ang pagtutol, at mapatahimik ang pagpuna sa gobyerno.

Sa huli, naniniwala si Robredo na mahahanap ng taumbayan ang tapang nito upang gawin kung ano ang nararapat.

“Clearly, then, this is not a practical gesture, but a symbolic one. One designed to sow fear. One designed to discourage dissent. One designed to silence criticism,” ayon sa Bise.

“It is now up to us to decide whether we will give in. Or whether, at long last, we will stand our ground and speak out.”

“In this, my faith remains firm, we will find our courage and do what needs to be done,” saad niya pa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?