49

Jul 24, 2018 @ 11:27
By

Pagluklok kay GMA bilang Speaker, balido – Nograles

Binalewala ni Davao City Rep. Karlo Nograles ang mga kuwestiyon kung ligal ang paghalal kay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo bilang Speaker.

Nanindigan si Nograles na valid ang pagluklok kay GMA bilang bagong lider kahit wala ang presensiya ng mace sa rostrum.

Ang presensiya ng mace ang tanda na nasa sesyon ang kapulungan.

Pero giit ng kongresista, ang kapangyarihan ng plenaryo ay nasa mayorya ng mga miyembro.

“The majority has spoken. Kahit ano’ng mangyari, kung ano man ang desisyon ng majority ‘yun naman talaga ang iiral dito,” ani Nograles.

Kasabay nito’y tiniyak ng mambabatas na hindi makaaapekto ang pagpapalit ng liderato ng Kamara sa legislative agenda ng Duterte administration.

“If we have naman the majority of the House of Representatives supporting a new Speaker, and the new Speaker naman is supportive of the present administration, then, kung anuman ang nasabi ni President Duterte sa kanyang State of the Nation Address, members of the House of Representatives will support,” sabi ni Nograles.

Sa sesyon mamayang hapon, bukod sa re-organizations, inaasahan din ang ratipikasyon ng Bangsamoro Organic Law. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?