397

By

Paglobo ng populasyon ng Pilipinas dahil sa Simbahang Katoliko! — Duterte

Sharing is caring!

Mistulang isinisi ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Simbahang Katoliko ang mabilis na paglobo ng populasyon ng Pilipinas.

Ito ang inihayag ng Pangulo sa kanyang talumpati sa business forum sa Amman, Jordan kung saan nakaharap ang iba’t ibang mga business leader.

Sinabi ng Presidente na kaya hindi mapigil ang paghahanap ng trabaho ng mga Filipino sa labas ng bansa dahil mahirap ang trabaho sa bansa.

Pangatlo aniya ang Pilipinas sa may pinakamaraming ipinapanganak na sanggol at hindi ito mapigilan dahil sa pagtutol ng Simbahang Katolika sa mga paraan para mapigilan ang sunod-sunod na pagbubuntis.

“We have a lot of Filipino in good numbers and they are here to make a living because things are pretty hard up. And Philippines is somewhat the third largest producer of babies everywhere. We are hitting the 110 million Filipinos and it keeps growing every day.

“And because of some religious disputes, family planning, in whatever form is always taboo to — sorry to say this in public — by the Roman Catholic Church,” anang Pangulo.

Sinabi ni Pangulong Duterte na tinututulan ng Simbahan ang programa ng gobyerno para makontrol ang pagdami ng populasyon ng bansa.

“And so for other religious people, we cannot really control them because it would be at the expense of the religious hierarchy. But then again, I have been openly advocating for it ever since I was mayor,” dagdag pa ni Pangulong Duterte. (Aileen Taliping)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?