60

Sep 28, 2018 @ 19:22

Paglisan ni LeBron, ‘wa epek kay Thompson, Cavs

Iniisip pa rin ni Tristan Thompson ng Cleveland Cavaliers na sila pa rin ang liyamado sa Eastern Conference kahit wala na si Lebron James.

“We’re still four-time Eastern Conference champions, so until you take us down from that, teams ain’t got much to say. Boston, Philly, they ain’t got much to say,” saad ni Thompson.

“Boston had homecourt Game 7 and lost. Philly, you guys almost got swept. Toronto — we already know that story. So until someone takes us down, there’s not much they can really say.”

Binuhat ni LeBron ang Cavs sa kanyang likuran upang talunin ang Toronto Raptors at Boston Celtics sa playoffs, ngunit winalis naman sila ng Warriors sa Finals. Nitong Hunyo lamang ay pumirma siya ng four-year deal sa Los Angeles Lakers.

Pinagtawanan naman ni Marcus Morris ng Celtics si Thompson sa Twitter ukol sa kanyang sinabi tungkol sa Cavs.

Cut it out. Get that vacation ready early this year fam! Ain’t s**t going through the Cavs this year! #facts,” sinulat ni Morris.

Si Ben Simmons din ng 76ers ay nakisali rin sa pagkomento sa Instagram.

“@realtristan13 hah yeh ok buddy see you soon,” aniya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?