8

Oct 15, 2020 @ 17:42
By

Paglipat sa UP binintang sa agent ni Cansino

Pumalag si Charlie Dy, ang agent ni dating UST captain CJ Cansino sa mga nagpaparatang na siya umano ang dahilan kung bakit lumipat ang kanyang alaga sa University of the Philippines.

Sa tweet ni Dy, pinarating nito na nais niya sanang maayos ang gusot sa pagitan nina Cansino at Growling Tigers sa kanyang pagtanong sa manlalaro kung pinal na ba ang kanyang desisyon.

“And accusing me of being behind CJ’s transfer. Good I saved our conversation as I even asked him if “Final na yan? Hindi na maayos?” ayon kay Dy.

Reaksyon ito ng player agent sa artikulo ni Quinito Henson kung saan kinuwestiyon nito ang naging desisyon ng Sorsogon PNP at local government ng naturang probinsya na walang basketball training na nangyari sa bubble, dahil farming umano ang pinagawa sa mga manlalaro.

Sa naturang report, dinetalye ang ilang bahagi ang palitan ng mensahe sa Viber nina Ayo at kanyang mga player kung saan ni isa umano dito ay walang kinalaman sa pagtatanim.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?