By

Paglipat ni Maine sa ABS-CBN, fake news

Sharing is caring!

Hindi pa rin nagpaparamdam si Maine Mendoza sa kanyang fans. Wala pa rin siyang latest photo na pino-post sa kanyang social media accounts. Kaya ang fans niya, hanggang throwback photos na lang, at nagkakasya na lang sa videos ng lambingan nila ni Alden Richards nu’ng bago-bago pa lang silang magkakilala sa Eat Bulaga.

Pero, ang medyo nakakagulat na chika ay ang diumano’y planong paglipat ni Maine sa ABS-CBN 2. Unang-una, may offer ba ang Kapamilya network kay Maine?

Pero hirit nga ng iba, ganun din ang ginawa ni Angel Locsin noon, na kesyo magpapahinga sa London, pero pagbalik, sa Kapamilya na pumirma ng kontrata. So, hindi raw malabong mangyari rin ‘yon kay Maine ngayon.

Anyway, heto ang side ng kampo ni Maine:

“Para matapos na lahat ng mga espekulasyon at mga haka-haka, WALANG LIPATAN AT HINDI LILIPAT SI Maine sa ABS-CBN.

“May 5 years exclusive contract si Maine sa Tape Inc. at APT Entertainment.

“Mananatiling Dabarkads at Kapuso si Yaya Dub kaya tapusin n’yo na mga Kapamilya ang paglalaway.

“Kinumpirma rin ito ng kanyang ina na si Mary Ann Mendoza na mananatili ang anak nito sa longest running noontime show na Eat Bulaga!

“Abangan ang pagbabalik ng Phenomenal Star sa Eat Bulaga at bagong lead role under Tape Inc. na ipalalabas pa rin sa GMA Network!” sabi pa ng mga taong malapit kay Maine. (Dondon Sermino)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?