19
Leni-Robredo
By

Paglipat ng mandato ng PCGG sa OSG, nakakabahala – VP Leni

Sharing is caring!

Napapabilang na si Vice President Leni Robredo sa mga nagpahayag ng labis na pangamba sa planong pagbuwag sa Presidential Commission on Good Government (PCGG).

Sinabi ni Robredo na kapag naging mandato na rin ng Office of the Solicitor General ang paghahabol sa mga nakaw na yaman ng pamilyang Marcos ay baka magmukhang tama pa ang nangyari noong panahon ng dikdaturya.

Giit nito dapat maalala ng lahat na ang OSG pa ang nagtanggol sa pagpapalibing sa yumaong Pangulong Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani.

Kayat hinimok ni Robredo na tutukan ang naipasang panukalang-batas sa Mababang Kapulungan ukol sa pagbuwag sa PCGG para hindi ito maging ganap na batas.

Ayon pa sa bise-presidente sa tatlong dekadang paghahabol ng PCGG sa mga yaman ng pamilya Marcos, $3.4 bilyon pa lang sa tinatayang $10 bilyon ang kanilang nababawi.

Noon lang nakaraang linggo, inanunsiyo ng Human Rights Claims Board na mababayaran na ang higit 10,000 biktima ng Batas Militar noong administrasyong-Marcos.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?