104

Nov 11, 2019 @ 18:22
By

Paglipat ng intel funds ni Digong sa ICAD posible – Cavite Rep. Barzaga

Naniniwala si Cavite Rep. Elpidio Barzaga Jr. na posible ang paglipat ng intelligence funds ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs (ICAD).

“It is possible that the intelligence funds can be transferred, ” ayon kay Barzaga.

Bukod dito, sinabi pa ni Barzaga na maaari umanong kumuha ang ICAD ng iba pang fund sources sa labas ng gobuerno para mapondohan ang kanilang operations.

Naniniwala rin si Barzaga na dapat ay bigyan muna ng kalayaan si Vice President Leni Robredo para mapatunayan ang kanyang kredibilidad bilang co-chairman ng ICAD.

Ang tagumpay aniya ay nangangailangan ng oras at pagpaplano.

“It is not easy and there is no instant success. It takes time and planning,” sabi pa ni Barzaga.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?