20

Dec 4, 2021 @ 14:22
By

Pagliliyab ng Suns inapula ng Warriors

Rumesbak mula sa kanilang pagkabigo kamakailan ang Golden State Warriors sa Phoenix Suns at ibinulsa ang 118-96 panalo ngayong Sabado upang mapigil ang 18-game winning streak ng Phoenix.

Matapos malimitahan sa 12 points at maalat na field goal shooting sa una nilang laban, bumawi si Steph Curry sa pagkakataong ito at bumuhos ng 23 points.

Ngunit malaking tulong para sa Warriors sina Gary Payton II na kumana ng 19 points at Juan Toscano-Anderson na nag-ambag ng 17 points.

Dahil sa panalo, hawak na muli ng Golden State ang liderato sa buong NBA sa kanilang 19-3 kartada.

Sa kabilang dako, pinangunahan ni Deandre Ayton ang Suns sa kanyang 23 points, ngunit nangapa ang Phoenix dahil ‘di nakalaro si Devin Booker na matatandaang nagtamo ng injury sa unang laban nila kontra sa Warriors.

Naputol na ang franchise record na 18-game winning streak ng Suns.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?