18
views

By

Paglilitis sa mga akusado sa mega shabu lab, ipinalipat sa Makati

Sharing is caring!

Pinagbigyan ng Korte Suprema ang kahilingan ng Department of Justice (DOJ) na mailipat sa Metro Manila ang tatlong drug cases laban kay dating National Bureau of Investigation (NBI) Anti-iIlegal Drugs Unit chief Atty. Eric Isidoro at siyam na iba pa na mga akusado sa natuklasang mega shabu laboratory sa Virac, Catanduanes.

Si Isidoro ay kasalukuyan pa ring opisyal sa NBI at may ranggong Director I.

Sa resolusyon ng Supreme Court, iniutos nito na mailipat sa Makati City Regional Trial Court (RTC) ang pagdinig sa tatlong kaso.

Una nang hiniling sa Korte Suprema ni dating Justice Secretary Vitaliano Aguirre II na mailipat sa Metro Manila ang pagdinig sa nasabing drug cases matapos itong magduda sa partiality o pagiging patas ni Virac RTC Branch 43 Judge Lelu Contreras na pinaniniwalaang naiimpluwensiyahan ng mga politiko sa Catanduanes.

Nobyembre 2016 nang matuklasan ang nasabing mega shabu laboratory sa Virac kasabay ng pagkakasamsam sa raid ng 22.509 kilo ng shabu at 359 kilo ng ephedrine at iba pang kemikal. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?