81

Jan 27, 2020 @ 19:49
By

Paglilitis sa kasong rebelyon ni Trillanes inusog sa Abril

Itinakda ng Makati court ang pagpapatuloy sa paglilitis sa kasong rebelyon ni dating senador Antonio Trillanes IV sa Abril.

Isasagawa ang pagdinig ni Judge Elmo Alameda ng Makati Regional Trial Court Branch 150 sa Abril 20.

Batay sa inilabas na kautusan, kinansela ang nakatakdang hearing ngayong Lunes, Enero 27 dahil sa walang available prosecution witness para tumestigo.

Nahaharap si Trillanes sa kasong rebelyon kaugnay ng Manila Peninsula Siege noong 2007.

Na-dismiss na ang kaso noong 2011 matapos pagkalooban ni dating Pangulong Benigno Aquino III si Trillanes ng amnestiya pero binuhay itong muli noong 2018 sa utos ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?