192

Dec 4, 2017 @ 15:28
By

Paglilitis sa kaso ni Jinggoy, sa Enero na itutuloy

Tinapos na ng Sandiganbayan ang paglilitis sa kasong graft ni dating Senador Jinggoy Estrada para ngayong taon.

Inanunsyo ni Fifth Division chairperson Associate Justice Rafael Lagos na sa January 15, 2018 na ulit ipagpapatuloy ang proceedings dahil magbabakasyon ang korte para sa holiday break.

Nahaharap si Estrada sa mga kasong plunder at 11 bilang ng graft kaugnay ng umanoý P183.8 million kickbacks sa kanyang Priority Development Assistance Fund (PDAF) o pork barrel na pinondo sa mga pekeng non-government organizations ni Janet Lim-Napoles.

Sa pagdinig kanina, nagkainitan sina prosecutor Maria Christina Batacan at abogado ni Estrada na si Atty. Paul Mar Arias tungkol sa transcript of records na ibinigay kay National Bureau of Investigation supervising agent Rodante Berou sa re-direct examination.

Tinutulan ni Arias ang transcripts nang makita ang nakakabit na “notes” sa dokumento. Sagot naman ni Batacan, ang naturang dokumento ay official transcript ng Sandiganbayan.

Muling nagsagutan ang dalawa sa cross examination kay Berlou na tumestigo sa memorandum of agreement nang tutulan ni Arias ang line of questioning ni Batacan sa katuwirang dapat tukuyin muna kung anong MOA ang itinatanong sa testigo dahil tatlong MOA aniya ang kinukuwestiyon. (Pearl Serrano)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?